PANLIGAW O MALI ANG PAMAGAT?
U.S. State Capital ang pamagat
ngunit pagkain ang pagpipilian
tila nililigaw tayo ng landas
na duduluhin pala'y kapalpakan
anong kinalaman ng meatloaf, fillet,
steak, sauce, at brisket sa kapitolyo
ng mga estado doon sa U.S.
ito kaya'y pagkain sa Washington?
marahil ngunit iba ang himaton
o clue, kaylayo kung susundin iyon
bakit kaya ganyan ang pagkasulat
o baka namali lang ng pamagat
gayunpaman, mabuti't nasagutan
ang nilalaro kong palaisipan
ang pamagat man ay nakalilito
aba'y di naman tayo natuliro
- gregoriovbituinjr.
03.19.2026
* mula sa larong Word Shatter sa selpon









