Kung Paano Magkaisa ang mga Manggagawa sa Transportasyon
Ang Industriya ng Transportasyon
Ang industriya ng transportasyon ay itinuturing na isang istratehikong industriya hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Isa ito sa mga pinakamatandang larangan ng pangekonomyang aktibidad ng tao sa buong mundo. Ang kasaysayan ng industriyang ito ay kaalinsabay ng kasaysayan ng modernong lipunan ng tao simula nang madiskube ng tao ang gulong.
Saklaw ng industriyang ito ang lahat ng mga sasakyang ginagamit (panglupa, panhimpapawid at pandagat) upang maghatid ng mga produkto, serbisyo at tao sa buong larangan ng ekonomiya. Ang serbisyo ng paghahatid ng mga kinakailangan para sa pag-inog ng produksyon at kalakalan sa lipunan ang pangunahin at tanging aktibidad ng industriyang ito.
Mula sa pagkuha ng hilaw na materyales, patungo sa iba’t ibang larangan ng produksyon at manupaktura hanggang sa paghahatid ng mga kalakal sa pamilihan at tahanan ay malaki ang papel na ginagampanan ng transportasyon. Ang bilis ng pagsikad ng anumang industriya ay nakadepende sa bilis at antas ng transportasyong magagamit nito. Maging ang pinakamahalagang elemento sa produksyon, ang paggawa, ay pinagsisilbihan din ng sektor ng transportasyon upang mabilis na makarating sa trabaho at sa kanyang tahanan.
Ang silbi ng sektor ng transportasyon ay tulad ng ugat sa katawan ng tao. na siyang pinagdadaluyan ng dugong kinakailangan sa iba’t ibang bahagi ng katawan upang mabuhay. Na kung titigil o mapipinsala ay maaring maghatid ng paghihingalo o kamatayan. Kung wala ang industriya ng transportasyon walang kalakalan na malilikha, walang buhay na iinog sa buong lipunan.
Labas sa istratehikong papel ng transportasyon sa buhay ng ekonomiya ng isang bansa. Ang industriyang ito ay may malaki ring inaambag sa nililikhang kita’t kabuhayan para sa bansa. Bilang bahagi ng industriya ng serbisyo, ang sektor ng transportasyon ay isa rin sa mga masigla’t lumalaking industriya sa ekonomiya na naghahatid ng dagdag na kita sa bansa.
Sa Pilipinas, ang taunang ambag ng sektor ng transportasyon sa Gross Domestic Product o GDP ng bansa ay nasa 6% hanggang 10% ng kabuuang iniaambag ng industriya ng serbisyo sa ekonomiya. May pinamalaking inaambag sa sektor ng transportasyon ang panlupa na tumataas ng mahigit 13% noong 2006 at tumaas naman ng bahagya nitong 3Q ng 2007 ng 4.3% Sinundan ito ng panghimpapawid na nagtala ng 6.2% nitong 2006 ngunit lumobo sa 26.9% nitong 2007. Pinakamabagal naman ang naitalang paglaki sa pantubig na nagtala -5.5% noong 2006 at bahagyang nakarekober nitong 3Q ng 2007 sa talang .6%
Sa usapin ng trabaho, ang sektor ng transportasyon ay papalaki rin ang bilang ng mga manggagawang nabibigyan nito ng hanapbuhay. Sa pinakahuling tala umaabot sa mahigit na 1.5 M manggagawa ang sinasaklaw ng industriya kung saan ang bulto ay nasa panlupa (1.17M), pantubig (220,000), panghimpapawid (11,000) at auxiliary at support (70,000) ayon sa pagkakasunud-sunod. Tinatayang umaabot sa P 30 B piso ang kabuuang kumpensasyon ang iniaambag ng sektor sa ekonomiya. Habang tinatayang ambag nito sa produktibidad ay nasa P1.43M kada manggagawa noong 2002. Hindi pa kasama sa produktibidad ang mga nasa informal na bahagi ng sektor ng transportasyon (Hanap ng datos refer to NTU research)
Sa laki ng papel at iniaambag ng sektor sa ekonomiya ng bansa maituturing na isang mga istratehikong sector ito ng lipunan na dapat alagaan at tiyaking umuunlad. Ang anumang pagtigil nito ay hindi lamang nangangahulugan ng pagtigil ng isang industriya kundi nang kabuhayan mismo ng milyun-milyong pamilya. Ang kinabukasan ng transportasyon ay buhay at kamatayan ng isang ekonomiya’t lipunan.
Dahil sa krusyal at istratehikong papel ng transportasyon sa buong ekonomiya’t lipunan ang industriyang ito ay itinuturing na isang sentral na responsibilidad ng anumang gobyerno. Pangunahing obligasyon ng gobyerno ang tiyaking may sapat at angkop na moda ng transportasyon at kailanman ay maayos at hindi nababalam ang pag-inog nito kung nais nitong matiyak ang pagsulong at pag-unlad ang lipunan.
Ngunit sa kabila ng ganitong kahalagahan ng transportasyon sa pangekonomya’t panlipunang buhay ng bansa nananatiling atrasado at napabayaan ang sektor na ito ng bansa. Nananatiling malasado ang katangian nito na inilalarawan ng sabay na pag-iral ng moderno’t atrasadong moda ng transportasyon at mga pasilidad para dito.
Nananatiling nakakonsentra sa mga mayor na lungsod at sentro ang bulto ng modernong transportasyon habang sa mga kanayunan ay umiiral ang mga atrasadong moda na siya paring pangunahing nagseserbisyo sa mga mamamayan. Mabagal ang usapin ng modernisasyon nito na pangunahing nakaasa ang pag-unlad sa mauutang ng pamahalaan sa mga dayuhang bansa at mga pampinansyang institusyon at mas itinutulak ang pagpapaunlad hindi nang intenal na pangangailangan nito kundi ng kumpas ng pandaigdigang pamilihan at kalakalan.
Ang Kalagayan ng mga Manggagawa sa Transportasyon
Atrasadong kalagayan sa gitna ng istratehikong papel sa lipunan
Sa kabila ng pagiging krusyal at istratehiko ng sektor ng transportasyon ang mga manggagawa nito ay isa sa mga itinuturing na pinaaktrasado ang kalagayan sa usapin ng kabuhayan at relasyon sa paggawa.
Malaking bahagi ng mga manggagawa sa transportasyon ay nasa hanay ng impormal na seksyon. Sa mahigit 2 M manggagawa sa industriya, halos 60% hanggang 80% nito ay nasa impormal na seksyon. Maliit na bilang lamang ang nasa pormal na seksyon na kalakhan ay makikita sa transportasyong pandagat at panghimpapawid. Pinakaatrasado ang kalagayan ng mga manggagawa sa impormal na seksyon ng transportasyon kung saan ang kabuhayan ay nakabatay sa negosasyon o kontrata nito sa indibidwal na may-ari o operator.
Bulto na nga ay impormal hindi pa relasyong sahuran ang dominanteng relasyon sa hanay ng transportasyon. Sistemang boundary at porsyentuhan ang pangunahing relasyon laluna sa hanay ng panlupang transportasyon. Masaklap pasan ng mga manggagawa ang lahat ng gastusin nito sa operasyon mula krudo hanggang pangmulta.
Sa ganitong relasyon sa paggawa makikita rin ang malaking diperensya sa kabuhayan at kita ng mga manggagawa sa transportasyon. Malayo ang diperensya sa sahod at benepisyo ng mga manggagawa sa pormal at impormal na seksyon. Sa pormal na seksyon ang karaniwang sahod nito ay hindi bumaba sa P9,000 kada buwan habang ang pinamataas ay tumatanggap ng P60,000 kada buwan idagdag pa ang alawans na hindi bumababa sa P1,000.00. Habang ang mga nasa impormal na seksyon ang kita nito ay nasa bahagdan ng P100 – 600 kada araw o P3,000 – 15,000 kada buwan depende sa ruta at haba ng pagtatrabaho nito.
Bulto ng mga mahihirap na manggagawa ay makikita sa impormal na seksyon kung saan ang kita ay hindi pa minsan umaabot sa minimum na halagang kinakailangan para buhayin ang kanyang pamilya. Hindi rin nagtatamasa ang seksyong ito ng mga benepisyo’t proteksyon mula sa gobyerno tulad ng insurance, tulong kabuhayan, pabahay, edukasyon at pangkalusugan.
Magkaiba rin ang batas na gumagabay at sumasaklaw sa relasyon ng pormal at impormal na manggagawa sa transportasyon. Para sa mga pormal na manggagawa saklaw sila ng Batas Paggawa at tinatamasa nila lahat ng mga itinakda nitong benepisyo. Samantalang ang impormal dahil sa kawalan ng malinaw na employee-employer relation ay mas ginagabayan ng pangkalahatang Batas sa kontrata at obligasyon.
Gayunpaman, sa kabila ng kanilang kaibahan sa sahod at benepisyo, tulad ng iba pang mga manggagawa pareho silang nagpapasan ng dagdag na pabigat mula sa mga programa’t patakaran ng gobyerno alinsunod sa liberalisasyon at deregulasyon ng ekonomiya tulad ng mataas na bilihin, kuryente at tubig at iba pang serbisyong panlipunan.
Susing kawing ng ekonomya ngunit walang boses sa lipunan at dumadanasan ng matinding pagsasamantala
Walang boses ng mga manggagawa sa sektor ng transportasyon sa loob mismo ng mga pamahalaan. Walang regular na nakaupo sa mga ahensyang pangunahing pumapatnubay sa transportasyon (DOTC,LTO at LTFRB, ERB, LGUs atbp.). Hindi sila bahagi sa mga pagbubuo ng mga patakaran at polisya na karamihan ay may malaking epekto sa kanilang araw na pamumuhay. Sa mga konsultasyon lamang sila pinakikinggan na kadalasan ay pabalat bunga at pormalisasyon na lamang ng mga nais ipatupad ng pamahalaan. Masaklap mas madalas na kinukonsulta at pinakikinggan ng gobyerno ay hindi pa ang mga manggagawa sa industriya kundi ang mga may-ari o operator nito tulad ng IMBOA, Association of Taxi Operators of the Phils atbp. Maging sa mga JODA na magkasanib ang drayber at operator ay mas tinig at interes ng operator ang naririnig.
Wala na ngang boses sa pamahalaan, ang mga manggagawa sa transportasyon ay siya pa ring pangunahing nakararanas ng pagsasamantala hindi lamang sa mga operator kundi maging sa pamahalaan.
Sa operator ang kawalan ng malinaw na batas na gumagabay sa pagtatakda ng boundary at obligasyon ng mga ito sa mga mangagagawa ay nagbubunga ng hindi makatwirang kalakaran sa boundary at porsyento sa nililikhang kita ng mga manggagawa. Marami din dito ang hindi nagpapatupad ng mga obligasyon nito alinsunod sa Batas Paggawa sa minimum na standard ng relasyong paggawa.
Sa gobyerno, labas sa mga napakataas na buwis at multang hinuhuthot sa mga manggagawa sa transportasyon. Biktima pa rin sila ng mga tiwaling opisyal ng kapulisan at mga ahensya nito. Sila ang pumapasan ng kotong na arawang hinihingi ng mga tiwaling pulis. Sila rin ang hinuhuthutan ng mga kawani sa LTO at LTFRB sa tuwing magrerehistro at kukuha ng lisensya.
Idagdag pa natin ang pagsasamantala sa kanila ng mga usurero na nagsasamanatala sa kanilang kahirapan sa pamamagitan ng pag-aalok ng tulong pinansyal sa nakapataas na interes tulad ng 5-6
Maging mga politiko ay pinagsasamantalahan ang sektor. Ginagamit at pinapangakuan sa panahon ng eleksyon ngunit tanging mga lider at opisyal lamang ang binubusog habang ang kalakhan ay walang ibinibigay na biyaya.
Bahagi ng sosyalisadong produksyon ng lipunan ngunit mahina ang pagkakaorganisa
Ang mga manggagawa sa transportasyon ay malinaw na bahagi ng sosyalisadong produksyon sa bansa. Sila ang dugtong sa bawat proseso ng produksyon at maging ng pamilihan. Gayunpaman, mababa ang antas ng pagkakaorganisa ng mga manggagawa sa transportasyon maging ito man ay nasa pormal o impormal na seksyon.
Kadalasan ang porma ng organisasyon ay batay sa ispesipiko lamang na interes ng mga manggagawa tulad ng TODA at JODA na itinayo para proteksyunan ang kanilang sarili sa kumpetisyon mula sa mga kapwa manggagawa at mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Labas dito, sektaryan at kanya-kanya bihirang nagtutulungan ang mga manggagawa sa sektor para isulong ang kanilang interes. Kadalasan ang pagkakaoorganisa pa ay nasa antas ng impormal na seksyon na ang pangunahing inaasikasong usapin ay ang dagdag pasahe at pagtutol sa anumang panukalang magbibigay na dagdag pasanin sa kanila. Sa hanay ng pormal na seksyon hirap sa pagbubuo ng mga union dahil na rin sa katangian ng kanilang gawain at dahil sa malakas na pagbara dito ng mga kapitalista.
Walang isang pambansang organisasyon ang sumasaklaw sa interes ng lahat ng mga manggagawa sa bansa at iniuugnay ito sa mas malawak na kilusan ng manggagawa at progresibong kilusan sa kabuuan na siyang dahilan kung bakit sa kabila ng napakalaking sektor ng transportasyon at napakalaki ng papel nito sa lipunan ay nananatiling wala itong malakas na boses sa lipunan at hindi kinikilala bilang isang malaking pwersa ng pamahalaan.
Ang Papel ng PMT
Sa ganitong konteksto natin itatayo ang isang organisasyon maaring tumutugon sa hamong bigyan ng isang malakas na tinig ang mga manggagawa sa sektor ng transportasyon upang mapagpasyang harapin ang samu’t saring problemang kinakaharap nito sa hanapbuhay.
Isang pambansang pagkakaisa lamang ng mga manggagawa sa transportasyon magagawang seryosohin ng pamahalaan na pakinggan ang karaingan at kahilingan ng sektor at kayang magtiyak na maipupwesto ito sa pambansang plano ng pamahalaan.
Ito ang hamon at bisyon sa pagbubuo ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Transportasyon sa ilalim ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino.
Pangkalahatang Layunin ng PMT
1. Organisahin at pagkaisahin ang malawak na hanay ng uring manggagawa sa transportasyon upang bigyan ito ng organisado’t solidong tinig sa pamahalaan at lipunan
2. Mapataas ang kamulatan ng mga manggagawa sa transportasyon para sa mas produktibo’t progresibong papel nito sa lipunan
3. Maglunsad at magpatupad ng mga programa’t serbisyong pantulong sa sektor para sa pagpapataas ng kagalingan at kabuhayan nito.
4. Magsulong ng mga panukala’t programang makakapagpataas sa kalagayan ng mga manggagawa sa transportasyon.
5. Paglakasin ang pagkakaisa ng sektor sa kabuuang kilusang paggawa at kilusang progresibo sa bansa.
Pangkalahatang Istratehiya
Upang bigyang katuparan ang mga pangkalahatang layunin ng organisasyon sa hanay ng mga manggagawa sa transportasyon isasagawa nito ang mga sumusunod na programa at Gawain:
1. Pag-oorganisa (ground-level at teritoryal level)
2. Pag-aaral, Pananaliksik at Pagsasanay
3. Sektoral at Pambansang Kampanya
4. Sosyo-ekonomikong Programa
5. Legal at Para-Legal na serbisyo
6. Internasyunal na Pakikiisa
Katangian ng PMT
Isa itong pambansang organisasyon ng mga manggagawa sa transportasyon na sasaklaw sa iba’t ibang moda ng transportasyon sa bansa. Isa itong pangmasang organisasyon ng mga manggagawa sa transportasyon na walang itatangi sa usapin ng relihiyon, kasarian at pinag-aralan basta’t handang pumaloob at naniniwala sa layunin, prinsipyo, programa ng organisasyon at handang maglaan ng panahon para dito.
Tatayo itong sentrong organisasyon ng sektor para sa kampanya at pagsusulong ng mga, sektoral na kahilingan, reporma’t panlipunang pagbabago. Magsisilbi itong tinig at kinatawan ng sektor sa pagharap sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Isa rin itong self-help organisasyon na hindi lamang magsusulong ng mga karaingan ng sektor kundi magpapatupad din ng mga serbisyo’t programang makakatulong sa pagpapataas ng kabuhayan at kagalingan ng mga kasapi nito
Iiral at kikilos ang organisasyon sa batayan ng prinsipyo ng
a. DEMOKRASYA;
b. BUKAS na PAMAMAHALA;
c. PAGKAKAPATIRAN;
d. SAMA-SAMANG PAGTUTULUNGAN;
e. KOLEKTIBONG PAMUMUNO at;
f. SAMA-SAMANG PAGKILOS.