Kakaibang Pera ng Pinansyal na Kapital
ni Mike Garay
DAPAT maintindihan ng manggagawang Pilipino kung saan nagmula ang kasalukuyang krisis pang-ekonomya sa buong mundo.
Ang naging mitsa nito ay ang krisis pinansyal sa US – o sa iba at mas palasak na salita, ang krisis ng mga bangko. Humawa ang krisis na ito sa manupaktura’t industriyang binabatbat ng tanggalan sa trabaho at pagsasara ng mga kompanya, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Ito ang dahilan kung bakit madalas sabihin na ang naganap sa Amerika ay krisis ng Wall Street (kumakatawan sa mga bangko at ispekulador sa pinansya) na humantong sa krisis ng Main Street na sumisimbolo sa industriya.
Kailangan, kung gayon, na simulan natin ang pagsusuri sa pinansyal na kapital – paano ang operasyon nito, ano ang relasyon at ugnayan nito sa industriya, ang papel nito nagaganap na krisis pang-ekonomya, at higit sa lahat, ang epekto nito sa ekonomya ng ating bansa.
Pera, Kalakal at Kapital
Sa ordinaryong tao, kapag tinanong kung anong ordinaryong bagay ang kumakatawan sa terminong kapital, tiyak na iisa lamang ang papasok sa kanyang isipan: “pera”. Alam kasi natin na laksa-laksang pera ang nasa kamay ng mga kapitalista kaya sila naiiba sa mga manggagawa.
Subalit ang pera ng mga kapitalista ay hindi “ordinaryong pera”. Ito ay may ekstra-ordinaryong katangian na kaiba sa perang hawak ng mga manggagawa tuwing sila ay sumasahod.
Ang perang ito ay kapital. Kakaibang pera na habang ginagastos ay hindi nauubos kundi lumalago. Milyon-milyon kung gumastos ang mga kapitalista. Magkano ang binibiling hilaw na materyales sa isang taon. Magkano ang makinang binili upang gamitin sa isang takdang panahon. Napakalaking halaga ng perang ginastos! Subalit imbes naubos ay lumago pa ito!
Nasaan ang sikreto sa pera ng mga kapitalista, partikular sa industriya na ating pinapaksa sa ngayon? Ito kasi ay hindi lamang ipinambibili ng ordinaryong kalakal (mga bagay na may presyo, nilikha upang ibenta).
Ang pera kasi ng mga kapitalista ay bumibili ng kakaibang kalakal: ang lakas-paggawa ng manggagawa – ang tanging kalakal sa mundo na kapag ginamit ay hindi nauubos ang halaga kundi lumilikha pa ng bagong halaga.
Isalarawan natin. Ang P500 ay pwedeng ipambili ng sapatos, magarang damit, at anupamang kalakal na may katumbas na halaga. Habang ginagamit ang nabiling kalakal, ang P500 ay lumiliit hanggang mapunta sa kawalan.
Naiiba ang lakas-paggawa ng manggagawa. Ang manggagawa ay ipagpalagay na binili ng P500 upang gamitin sa produksyon sa isang araw.
Ngunit kapag siya ay nagtrabaho, siya ay lilikha ng bagong kalakal na mas mataas ang halaga kumpara sa nilalaman nitong lumang kalakal (hilaw na materyales at depresasyon ng makina). Halimbawa, siya ay makakagawa ng bagong kalakal na may halagang P2,000 mula sa ipinuhunang P1,000 sa hilaw na materyales at makina at P500 na pasahod.
Kung gayon, makikita natin na dumaan sa iba’t ibang anyo ang kapital. Ito ay maaring nasa anyo ng perang-kapital (money capital) at kapital na kalakal (commodity-capital).
PERA KALAKAL (hilaw na materyales, makina, sahod)… KALAKAL* (bagong kalakal) PERA*
Nagsimula ito sa anyo ng pera (na nagkakahalagang P1,500). Ito ay nag-anyo bilang kalakal (hilaw na materyales, makina at lakas-paggawa) ngunit hindi pa nagiging ganap na kapital sapagkat hindi pa ito lumalago.
Ang biniling mga kalakal ay ginamit upang lumikha ng bagong kalakal na may halagang P2,000, i.e., nasa anyo pa rin ng kalakal ngunit mayroon nang mas mataas na halagang P500. At kapag naibenta na ang kalakal, ito ay bumabalik sa anyo ng pera upang malasap na ng kapitalista ang tubong P500.
Proseso ng paggawa ang pinagmumulan ng bagong halaga. Ang paggawa ang dahilan kung bakit ang pera ay nagiging kapital. Ang pera ay kapital kapag ito ay nilapatan ng pagpapawis, pagpapagod at pagsusumikap ng uring manggagawa.
Naisalarawan natin ang dinadaanang proseso ng kapital sa industriya. Dito mas lantarang makikita ang esensyal na papel ng paggawa sa paglikha ng tubo, na siyang sikreto’t mahika sa likod ng kapitalistang lipunan. Tawagin natin itong “produktibong kapital”.
Paano naman ang kapital sa hindi saklaw ng paglikha ng produkto o serbisyo? Matatagpuan ito sa mga bangko, pinansyal na institusyon at mga imbestor sa stock market, treasury bills, atbp. Sila – kaiba sa produktibong kapital – ay ang kinakategorya natin bilang kapital sa pinansya o “finance capital”.
Tila hiwalay sa produksyon ang paglago ng perang ito na pinapautang ng mga bangkero. Ito ay parang pera na nanganganak ng panibagong pera matapos ang takdang panahon. Halimbawa, ang P1 Milyon ay maaring may interes na 12% kada taon (per annum), kung kaya’t ito ay magiging P1,120,000 matapos ang 12 buwan.
Ang kapital na ito ay nasa anyo din ng pera (money-capital) na tumutubo sa pamamagitan ng interes. Tawagin natin itong “interest bearing capital”.
Paano tumutubo ang mga bangkero? Nagmumula sa bagong halagang likha ng manggagawa. Kapag pinautang sa mga kapitalista sa industriya, ang interes ang kukunin sa tubo o bagong halagang nilalaman ng mga nalikhang kalakal. Kapag pinautang naman sa mga manggagawa (halimbawa sa anyo ng housing loan), ito ay kukunin mula sa sahod, na kanya ring nilikha.
Isalarawan natin. Ang ating ihinalimbawang kapitalista sa industriya (may kailangang puhunang P1,500 kada araw, kada manggagawa) ay uutang sa bangko para sa produksyon ng 300 araw ng 100 manggagawa. Siya ay uutang sa bangko ng P45 milyon (P1,500 x 300 araw x 100 manggagawa) para sa ekspansyon ng kanyang negosyo.
Batay sa ating naunang paliwanag, ang P45 milyon na inutang ay lalago at magiging P60 milyon kapag naibenta ang lahat ng kalakal (P2,000 x 300 araw x 100 manggagawa).
Mula sa tubong P15 milyon, na nilikha ng paggawa, kukunin ang interes na ibabayad sa serbisyo ng bangko, kung 12% kada taon, ang interes ay nagkakahalaga ng P5.4 milyon. Maliban sa mga bangko, may ibang kapitalistang hindi direktang bahagi ng produksyon ang nabubuhay sa halagang ito na nilikha ng manggagawa. Kasama rito ay ang mga kapitalistang landlord (upa) at ang kapitalistang gobyerno (buwis).
Papel ng Kredito sa Kapitalistang Ekonomya
Ngayon nama’y tutukan natin ang krusyal na papel ng mga bangko sa kabuuang kapitalistang sistema sa ginagawa nitong pagbibigay ng kredito o pautang.
Ang mga bangko ay nagpapautang para sa tubo sa anyo ng interes. Hinahabol nila ang mas malaking tubo mula sa kanilang puhunan. Subalit habang sila ay itinutulak ng pansariling interes, ang pagbibigay nila ng kredito ay nagtitiyak din sa lubusang pag-unlad ng buong kapitalistang lipunan.
Paano ba umuunlad ang kapitalistang sistema? Nagmumula ito sa tuloy-tuloy at mabilisang pag-ikot ng kapital, ibig sabihin, sa pag-inog ng kapital mula sa perang kapital (money capital) tungong kalakal na kapital (commodity capital) at pabalik sa perang kapital upang umikot uli sa nasabing proseso.
Sa medaling sabi, kailangang may sapat na suplay ng perang ilalagak sa produksyon upang malikha ang mga kalakal at kailangan ding nabebenta ang mga nalikhang kalakal para umikot ang pera. Hindi lang para gamitin sa luho ng indibidwal na mga kapitalista kundi upang ilagak sa ibayong produksyon – na magdudulot ng kasiglahan sa mga industriyang karugtong ng isang kompanya. Halimbawa, pabrika ng pantaloon, pagawaan ng sinulid, plantasyon ng bulak, atbp., atbp.
Subalit kung walang mga bangko – at aasa lamang ang industriya sa sarili nilang bulsa para sa puhunan –tiyak na hindi magiging tuloy-tuloy ang pag-ikot ng kapital. Sapagkat may mga pagkakataong hindi pa nabebenta ang kabuuang kalakal na kanilang nalikha upang ibalik ang pera sa produksyon. Mayroon ding sitwasyong kailangan nila ng mas malaking kapital kumpara sa nakalagak sa produksyon para sa ekspansyon ng kanilang operasyon.
Halimbawa, sa loob ng nakaraang taon, ang industriyal na kapitalista ay nakalikha ng kalakal na may halagang P60 milyon mula sa puhunang P45 milyon. Subalit kalahati pa lamang nito ang nabebenta (P30 milyon), paano ipapanatili ng kapitalista ang nakaraang antas ng produksyon na nangangailangan ng P45 milyon? Paano pa kung kailangan niyang doblehin ang produksyon? Kailangan niya ang kredito o pautang ng mga bangko.
Ulitin natin: ang papel ng kredito o pautang ng mga bangko ay ang tuloy-tuloy at mabilis na sirkulasyon o pag-ikot ng pera at kalakal, na nangangahulugan ng paglago ng kapital sa pamamagitan ng pagbabago ng anyo nito sa loob ng produksyon.
Sa kaso ng malalaking bansa, ang pautang ay hindi lamang para sa mga industriya. Malaking bahagi nito ay nakalaan sa mamamayang na nabubuhay sa kredito. Sa pamamagitan ng credit card, hindi lamang nabibili ng manggagawang Amerikano ang kanilang pangangailangan kahit kinukulang ang kanilang sweldo. Mas pa, natitiyak din nitong nabibili ang mga produktong likha ng industriya’t agrikultura sa Amerika.
Krusyal ang papel ng pinansyal na kapital sa akumulasyon ng kapital. Sa panahon ng kasiglahan, ang maluwag na pautang ay nagpapasigla sa buong ekonomya. Subalit sa mga yugto ng krisis, humihigpit ang kredito ng mga bangko. Hindi makautang ang mga kapitalista para sa ipagpatuloy at palawakin ang kanilang operasyon. Hindi makautang ang mamamayan para bilhin ang mga produkto.
Ang resulta, nagsasara ang mga pabrika at laksa-laksa ang nawawalan ng trabaho. Ganito ang naganap sa Amerika – ang pinakamalaking ekonomya sa buong mundo. Sa ngayon, ang tinutukoy pa lamang natin ay ang pangkalahatang relasyon ng industriya at pinansya sa panahon ng mga krisis. Ang partikular na dahilan ng krisis pinansyal ng US ay tatalakayin natin sa susunod na artikulo.
Sugal ng mga Kapitalista
Subalit hindi lamang sa interes kumikita ang mga bangko at iba ang pinansyal na institusyon, sila ay kumikita din sa pamamagitan ng pamumuhunan sa tinatawag na “financial market”. Kasama sa merkadong ito ang stock market, treasury bills, currency trading, hedge funds, atbp.
Paano kumikita sa merkadong ito? Umaandar ito sa ispekulasyon. Bumibili ng shares of stock ng isang kumpanya, treasury bill ng mga Central Bank, dolyar, atbp., sa pagtantyang tataas ang halaga nito sa isang takdang panahon upang kanilang maibenta ng mas mababa sa umiiral na market price.
Lagyan natin ng halimbawa. Ang isang kompanya ay may share of stock na nagkakahalagang P200. Bibilhin ito ng ispekulador kung tinataya niyang tataas ang presyo nito sa mas mabilis na panahon. Ipagpalagay na bumili siya ng 1,000 shares at matapos ang ilang buwan ay tumaas ang presyo nito at naging P300. Maari niya nang ibenta ito sa halagang P250. Sa isang iglap ay mayroon siyang tubong P50,000 nang hindi dumadaan sa mga komplikasyong karugtong ng industriyal na produksyon.
Isa pang halimbawa. Ang kasalukuyang palitan ng isang dolyar ay nasa P48. Bibili ang ispekulador ng $10,000. Kung ang presyo ng dolyar ay naging P55 matapos ang dalawang linggo, ibebenta niya ang bawat dolyar sa presyong P52.50. Walang kahirap-hirap siyang tumubo ng P45,000!
Ang problema, hindi nakatitiyak kung kailan babagsak ang halaga ng naturang mga papel. Sa ating halimbawa, ang nakabili sa share of stock sa halagang P250 ay umaasang tumaas pa sa P300 ang presyo nito sa merkado. Ganundin ang nakabili ng dolyar sa presyong P52.50 ay nais pang sumirit ito sa P55. Pareho silang nangangarap na maibenta ito sa mas mataas na halaga. At ganundin ang layunin ng susunod na makakabili ng mga ito.
At sa pagpasok ng bagong siglo, kumaripas ang takbo ng mga pinansyal na merkado – hindi lamang sa Amerika kundi sa buong mundo.
Umabot sa trilyon-trilyong dolyar ang isinusugal sa pinansya. Bumilis ang paglipat sa iba’t ibang kamay ng mga samut-saring papel na kumakatawan sa mga shares of stock, treasury bills, hedge funds, atbp. Lumobo ng lumobo ang halaga ng mga ito. Ipinatupad ang deregulasyon sa financial market. Lumarga ang ekonomya ng Amerika bilang “casino economy”.
Subalit, pagpasok ng Setyembre 2008, bunga ng “housing crisis” na nagpabagsak sa ilang prominenteng bangko na hindi makasingil sa pautang sa pabahay, naglaho ang halaga ng mga naturang papel. May ilang bangko na naging $1 ang halaga ng kada share mula sa pinakamataas na $130. Nalusaw ang mga halagang nasa papel lamang at walang direktang ugnayan sa produksyon – ang tunay na pinagmumulan ng halaga.
Dahil nabangkarote sa kanilang pagsusugal, nagsara ang mga bangko at naghigpit sa kredito o pautang sa mga kapitalista at sa mamamayang Amerikano. Namilipit ang industriya. Nagsara ang mga pabrika. Laksa-laksang manggagawa ang itinapon sa lansangan. Ang kapital sa pinansya ay naging berdugo ng manupaktura at industriya. #
Susunod na artikulo: Ang Pilipinas at Krisis Pinansyal sa US