kung tapuy ay rice wine, ang sinangrag
ay rice coffee, bigas na sinangag
hanggang masunog, pinakuluan
sa tubig nang maging kape naman
tatak sa tasa, may sinasabi
naroon ay "This is you. This is me."
nagsinangrag umaga at gabi
sa sarap nito'y di magsisisi
isa lamang sa natutunan ko
kaysarap, nalasahang totoo
panlinis pa raw ng tiyan ito
pampatatag ng katawa't buto
noong araw, walang gatas kundi am
mula sa bagong aning palay man
nabuhay rito ang kabataan
kaya malalakas ang katawan
maganda ang epekto sa ating
kalusugan, kaygandang inumin
natutunang ito'y gagamitin
upang ang iba'y makainom din
- gregoriovbituinjr.
06.23.2025
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento