Maid in Manhattan
likhangisipnimona
Kay ganda ng Manhattan
Pangalawa kong tahanan
Naglalakihang establisimyento
Sentro ng kapitalismo
Nariyan ang Time Square
Gumuhong
Twin Tower
Statue of Liberty
At Park Avenue
Paraiso ng mga politiko
Ng mga gahaman
Sa Wall Street
Mundo ng burgesya
Primadona
Hari at reyna
Atletang sikat
Artistang maririkit
Diyus diyosan sa lupa
Para nasa langit
Buhay Amerika
Masarap nga ba?
Nagkukumahog
Araw gabi kumakayod
Kalabaw halintulad
May hilang suyod
Hindi alintana
Matinding pagod
Kumita lang ng dolyar
Sa mga baboy na busog
Me magagawa ba
Wala namang iba
Sa paglisan sa bansa
Kami ay pikit mata
Sardinas ba ako?
O tinapa?
Sinadya
Ng gobyerno
Murang ibenta
Sa buong mundo
Taga silbi
Taga punas uhog
Ng paslit
Taga hugas ng tae
Sa subway train
Iba iba
Itim, dilaw, may puti
Mayoroong kayumanggi
Asul na mata
Hikaw sa ilong
Tatoo sa braso
Uso o simbolo
Kulturang moderno
Sa kabila ng lahat
Kailangang mag ingat
Sa among abusado
Mata'y idilat
Diskriminasyon
Rasistang nagkalat
Mistulang hayop
Sa malamig na gubat
Tanging paraan
Ng gobyernong
Bingi
Sa karapatang pantao'y
Mga walang silbi
Sariling industriya
Isinantabi
Manggagawang Pinoy
Tinindang kamote
"likhangisipnimona"
Damayan Migrant Workers Association
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento