Sabado, Setyembre 21, 2024

Level 69 - parehong kulay ng ruskas

LEVEL 69 - PAREHONG KULAY NG RUSKAS

dapat ay aking mapag-ugnay
ang magkakaparehong kulay 
ng ruskas sa bawat turnilyo
kung laro'y nais ipanalo

kulay kasi'y magkakaiba
may asul, lunti, lila, pula
ang panuntunan lang ay simple:
magkakulay ay magkatabi

dinawnlod ko ang ganitong app
nang maehersisyo ang utak
sa libreng oras nilalaro
bakasakaling may mahango

turnilyo't ruskas ay mag-partner
kaya walang sinumang ander
lohika dito'y pangunahin
pulso'y naeehersisyo rin

- gregoriovbituinjr.
09.21.2024

* litrato mula sa app game na NutsSorter

Walang komento: