PANGUNGUHA NG CHERRY TOMATO
sa landas na malapit sa ilog
tanim ay mga cherry tomato
aba'y kaysarap lalo na't hinog
ang mumunting kamatis na ito
kaysarap din nitong ipang-ulam
kasama mga nahuling isda
na iniluto at sinabawan
at tiyak, mabubusog kang sadya
habang iyo pa ring naririnig
yaong tubig na lumalagaslas
mga palay din ay nakatindig
ilang linggo pa bago magapas
sa mga bigay ng kalikasan
kami rito'y nagpapasalamat
sa mga tanim ditong anuman
sa tubig, ilog, ulan, salamat
- gregoriovbituinjr.
06.25.2025
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/1Ap8Cisznu/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento