ENIAC
anim na kababaihan pala
ang unang programmer ng ENIAC
na sa historya'y unang computer
o ang Electronic Numerical
Integrator and Computer noong
pangalawang daigdigang digma:
sina Jean Bartik, Betty Holberton,
sina Kay McNulty, Marlyn Meltzer,
Frances Spence at Ruth Teitelbaum
mga human computer na noon
na nagdisenyo ng algorithm
na nagtatag ng modern programming
pati na flow chart at modern system
mga kababaihang kaygaling
tara, sila'y ating kilalanin
- gregoriovbituinjr.
07.25.2025
* ulat mula sa kawing na: https://www.eniac.vc/writings/remembering-the-eniac-six
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento